Below is a proposed Defense Plan for Security Guard with Post-Assignment being threatened by lawless elements.
I. ANG PAGHAHANDA
A. MGA CONTACT NUMBERS
Palaging ihanda o ilagay sa madaling makita kung sakaling may mga kaganapan ang mga contact numbers ng mga sumusunod:
1. Numero ng pinakamalapit na estasyon ng pulisya at militar.
2. Numero ng barangay hall.
3. Numero ng pinakamalapit ng estasyon ng bumbero.
4. Numero ng ahensiya/kumpanya.
5. Numero ng mga officers at opisyales ng ahensiya at kliyente na nakatalaga sa lugar o sumasakop sa iyong post of assignment.
6. Numero o contact number ng pinkamalapit na bahay na mayroong communication gadget.
7. Numero ng pinakamalpit na ospital.
B. COMMUNICATION EQUIPMENT
1. Cell Phones – alamin ang tamang paggamit ng iyong cell phone. Ugaliing suriin ang iyong cell phone kung ito ba ay maayos ang kondisyon. Huwag gamitin ang cell phone sa walang katuturang bagay at walang kaugnayan sa trabaho. Ipaayos ito kaagad kung sakaling may sira. Huwag hayaang ang load ng cell phone ay bababa sa P50.00. Ipagbigay alam kaagad sa Agency.
2. Radios – alamin ang taman paggamit ng radio. Ilagay palagi sa tamang channel. Alamin ang call signs ng iba’t ibang opisyal ng agency at ng client. Alamin ang ten-codes signs. Siguruhing palaging nakakondisyon ang battery ng radio. Huwag iwanan sa kahit na anong lugar. Alamin ang lugar na malinaw ang signal.
C. FIREARMS
Kabisahin ang tamang paggamit ng baril. Huwag paglaruan. Suriin kung ito ay nasa mabuting kondisyon. Palaging ilakip ang lisensiya ng baril sa Permit to Operate document ng Agency. Kung wala humingi kaagad sa Agency.
Anumang sira na magiging dahilan upang ito ay hindi magamit ay ipaalam kaagad sa Agency. Ugaliing may nakalaan na two rounds o mahigit pa na bala.
D. FIRE EXTINGUISHER
Siguruhin na may fire extinguisher sa istasyon. Kabisahin ang tamang paggamit nito. Dapat ay nakalagay ito sa istratehiyang blugar. Huwag ilagay ang fire extinguisher sa CR. Huwag paglaruan. Kung sakaling expired o wala nang laman ay ipagbigay alam kaagad sa Agency.
E. FLASHLIGHT / EMERGENCY LIGHT
Sa panahong walang ilaw, ang flashlight o emergency light ang pinakamabisang gamit. Siguruhing ito ay gumagana at may ekstrang baterya. Sa emergency light, siguruhing ito ay fully charged.
F. ANG GUWARDIYA
Habang nasa post-assignment; ugaliin na ang sarili, isipan at damdamin ay nasa trabaho. Anumang problema o pagkabagabag ay isawalangtabi. Maging maingat, responsable at laging handa. Huwag iwanan ang puwesto sa kahit anumang pangyayari, maging sino man ang mag-utos. Isabuhay ang 11 General Orders, ang Code of Ethics, Code of Conduct, at anumang batas na may kaugnayan sa pag-guwardiya.
G. ANG POST-ASSIGNMENT
Siguruhing kabisado ang iyong pwesto. Suriin ang mga kandado kung hindi pa sira. Palaging i-lock ang gate at mga dapat sarhan. Humanap ng lugar na maaaring pagtaguan, at lugar na malinaw ang signal ng radio o/at cell phone. Ipaalam ang anumang sira sa iyong puwesto, halimbawa, Perimeter Fence, Gate, Guardhouse, Ilaw, atbp.
Kung walang Guardhouse, humanap ng matibay na bahay na maaaring pananggalang. Maaari ring gumawa ng hukay na kanlungan o foxhole na pagtataguan sa panahon na may mga salakay.
H. ANG KAPALIGIRAN
Kabisaduhin ang nakapaligid sa puwesto. Kilalanin ang mga kapit-bahay, kalapit na puwesto, magkaroon ng magandang relasyon sa mga nakapaligid. Suriin ang mga ikinabubuhay at ang kanilang iba pang pagkakakilanlan. Alamin kung sino ang pagkakatiwalaan at maaaring mahingan ng tulong sa panahon ng pangangailangan.
II. BAGO ANG KAGANAPAN
Siguruhin na natupad lahat ang kinakailangan na paghahanda na nasabi sa itaas.
A. MAY BABALA
1. Tawag sa cell phone, telephone o radio
a. Sa cell phone
Tanging ang Agency at Kumpanya lang ang may alam ng numero ng iyong cell phone. Kung sakaling may pumasok na ibang numero, ipagbigay alam kaagad sa kinauukulan.
a.1. Tawag sa cell phone/telepono
a.1.a. May pananakot
- Patagalin ang pag-uusap.
- Kunin ang pangalan, kumpanya, tirahan, edad, at iba pang maaaring pagkakakilanlan.
- Suriin ang tono ng salita; cebuanong-ilonggo, tagalog na bisaya ang tono, atbp.
- Alamin ang dahilan at motibo ng pananakot.
- Kung sakaling pambobomba, tanungin kung ito ay planted, anong uri (time bomb), at saan nailagay.
- Alamin ang posibleng petsa ng kaganapan.
- Alamin kung saan tumatawag.
- Huwag magpatakot, maging kalmante at madiplomasya sa pagsasalita.
- Itanong kung kalian ulit tatawag.
- HUWAG MAGBIGAY NG ANO MANG IMPORMASYON ukol sa puwesto, kung ilang guwardiya, kung ano ang ginagamit na baril, atbp.
- Ipagbigay kaagad sa Agency.
- I-logbook.
- Gawan ng report.
a.2. Text message
Kumbinsihing tumawag. Kunin ang numero ng cell phone. I-logbook at gawan ng report. Huwag ng sagutin sakaling muling mag-text.
a.3. Tawag sa radio
Tanging ang Agency lamang at ang National Telecommunications Commission ang nakakaalam ng channel na ginagamit sa radio, kung may namonitor na ibang channel, may pagbabanta man o wala ay ipaalam kaagad sa Agency matapos I-logbook.
2. Mga kahinahinalang tao
a. Mga di kilalang tao
Mga di kilalang tao na dumadaan, nagtatanong o nag-uusyos sa puwesto, o malapit dito.
a.1. Dumadaan
Punain ng mabuti ang dumaraan. Ilang ulit na ito bumalik. May mga kamag-anak/kakilala ba ito sa malapit na puwesto. Ano mga dala. Isulat ang anumang obserbasyon.
a.2. Nagtatanong/Nag-uusyoso
Punain ang itsura at dalahin. Ipagbigay alam kaagad sa Agency bago lapitan. Hintayin ang pasya ng kinauukulan. Kung napagpasyahang lapitan, gawin ang sumusunod:
- Kunin ang pangalan, tirahan, trabaho, at iba pang pagkakakilanlan .
- Tukuyin ang kailangan at iba pang interes sa puwesto.
- Huwag magbigay ng anumang impormasyon.
- Huwag pahintulutan na may iiwan na kahit na anumang bagay.
- Huwag tumanggap ng anuman kahit na pagkain o/at tubig.
- Huwag kailanman papasukin.
- Itawag kaagad sa Agency ang anumang resulta ng usapan.
- I-logbook at gawan ng report.
b. Mga kilalang tao
Mga taong kilala ng guwardiya pero walang relasyon sa puwesto. Gawin ang mga sumusunod:
- Kung palaging pumupunta sa puwesto, kunin ang posibleng dahilan.
- Pagbawalan ang pagpunta-punta sa puwesto.
- Alamin ang tirahan at anumang iba pang pagkakakilanlan.
- Huwag tumanggap ng anumang bagay.
- Huwag magbigay ng anumang impormasyon ukol sa puwesto, sa Agency o sa Kliyente.
- Ipagbigay alam sa Agency kung sakaling bumalik pa pagkatapos na pagbawalan.
3. Mga sulat
Sulat na naglalaman ng pananakot o ano pa mang motibo na may kaugnayan sa puwesto, guwardiya, sa Agency at sa Kliyente.
- Huwag punitin, sunugin o sirain.
- Itala kung ito ay binigay ng isang tao o grupo. Tanungin ang pangalan at iba pang pagkakakilanlan.
- I-logbook at ipaalam kaagad sa Agency.
- Ihatid o ipakuha kaagad sa Agency.
- Kung may nakapangalan, ipagbigay alam kaagad sa Agency para maihatid sa kinauukulan. Huwag buksan.
III. ANG KAGANAPAN
Mga dapat gawin kung sakaling dumating ang mga sumusunod:
1. Pambabato
- Kilalanin kung sinu-sino.
- Suriin kung ano ang motibo.
- Huwag lalapit sa nambabato.
- Kung mga lawless elements magbigay ng warning shot.
- Ipaalam kaagad sa Agency.
- Kung matindi and pambabato, magtago sa isang ligtas na lugar.
- Huwag bubuksan ang gate.
- I-report sa pinakamalapit na istasyon ng pulis at sa Agency habang nangyayari ang kaganapan.
- Magbigay ng warning shot kung may nambabato (siguraduhing wag itutuk sa nambabato o kanino man).
- Siguruhin ligtas ang puwesto matapos ang pambabato.
- Suriin ang epekto ng pambabato.
- Ipaalam kaagad sa Agency ang mga pinsala.
2. Pag-atake ng mga Armadong Tao
- Huwag lumapit kung may napansing armadong mga tao kahit na naka-uniporme ng pulis o sundalo.
- Ipagbigay alam kaagad sa Agency at mag-antay ng payo.
- Itawag kaagad sa pinakamalapit na istasyon ng pulis.
- Magkubli sa ligtas na lugar.
- Huwag buksan ang gate.
- Kung magpumilit na pumasok, magbigay ng warning shot para makatawag pansin (siguruhing huwag itutuk kanino man).
- Kung nakapsok, disarmahan ang armadong tao, gamitin lamang ang baril kung may tangkang pagpatay. Kung madis-armahan, magpakahinahon.
- Huwag kailanman magbigay ng anumang impormasyon.
- Huwag kailanman ibigay ang anumang susi.
- Kunin ang posibleng dahilan ng pag-atake.
- Anong grupo ang sumalakay.
- Pakiusapan na huwag pakialaman ang puwesto, ang mga properties ng kliyente at ang guwardiya.
- Maging madiplomasya.
- Kung sakaling pagbabarilin ang mga properites, guard house o anumang bagay sa loob ng puwesto magkubli sa ligtas na lugar malayo sa gurad house kagaya ng foxhole at huwag lumabas.
- Maging mapanuri sa mga hitsura ng mga pumasok, sa mga baril na ginamit, mga pagkakakilanlan, mga patches kung meron man.
- Huwag ibigay ang baril at ang cell phone o radio.
- Tingnan kung ano ang pinagbabaril.
- Suriin kaagad ang mga pinsala matapos ang kaganapan.
- Ipaalam kaagad sa Agency ang natapos na pangyayari.
3. Pambobomba
Ito ay tumutukoy sa iba’t-ibang uri ng bomba, homemade man o high tech. Dalawa ang posibleng dahilan ng pambobomba, una, ang tinatawag na planted, pangalawa, ang inihahagis na bomba.
a. Planted o itinanim na bomba
Karaniwan sa ganitong klaseng bomba ay time-helped o yung tinatawag na time bomb.
a.1. Bago ang pagsabog
- Huwag galawin ang anumang bagay na nakabalot o nakapalooban ng hinihinalang bomba.
- Ipaalam kaagad sa pulis.
- Huwag lumapit sa hinihinalang bomba.
- Siguruhing nakasara ang mga pintuang dapat nakasara.
- Gumawa ng temporary defense laban sa hinihinalang bomba, maaaring kahoy, galvanized iron, o ano mang bagay na makakapagpahina ng impact sakaling sumabog.
- Hintayin ang awtoridad bago gumawa ng anu pa mang hakbang.
a.2. Sa pagsabog
- Siguruhing nasa ligtas na lugar.
- Pansinin kung saan bumagsak ang mga bagay sa loob ng puwesto dulot ng pagsabog.
- Huwag kaagad umalis sa ligtas na lugar matapos ang pagsabog. Posibleng may kasunod pa ito mula sa mga napinsalang bagay lalo na kung naapektuhan ang mga pwede pang sumabog.
- Huwag galawin ang naapektuhang lugar.
- Iligtas ang mga bagay na maari pang madamay o makapagdulot ng sunog. Siguruhin lang hindi ito makakaapekto sa susunod na imbestigasyon.
- Ipaalam kaagad sa pulis at sa Agency.
- Hintayin ang kinauukulan bago gumawa ng anumang hakbang.
b. Inihagis na bomba
- Siguruhing nasa ligtas na lugar. Kung nasa foxhole at doon papunta ang bomba lumipat kaagad ng lugar.
- Tawagan kaagad ang pulis at Agency.
- Kung possible, pansinin ang uri ng bomba (hal., Granada, dinamita, etc.), ang itsura, atbp.
- Saan ito tumama, gumulong pa ba bago sumabog, ilang segundo/minute bago ito sumabog.
- Saan ito nanggaling.
- May nakita bang naghagis, anong histsura, ilang katao.
- Pansininang mga bumagsak na debris, saan bumagsak, may lumabas ba sa pwesto.
- Huwag kaagad umalis sa ligtas na lugar matapos ang pagsabog, posibleng may susunod pa.
- Huwag galawin ang naapektuhang lugar.
- Iligtas ang mga bagay na maari pang madamay o makapagdulot ng sunog. Siguruhin lang na hindi ito makakaapekto sa susunod na imbestigasyon.
- Itawag kaagad sa pulis at Agency kung sakaling di pa dumarating.

4. Mga Di-Armadong Tao / Mga Di-Armado ng Baril
Mga taong sumalakay sa puwesto pero hindi armado ng kahit anong kalibre ng baril, maaring patalim o kahoy, atbp.
- Huwag kailanman buksan ang gate.
- Ipaalam kaagad sa Agency.
- Sa isang ligtas na pagitan, tanungin ang kailangan o interes sa puwesto.
- Suriin ang itsura, kasarian, at iba pang pagkakakilanlan.
- Huwag kailanman magbigay ng impormasyon.
- Pakiusapang umalis sa puwesto.
- Kung hindi umalis, magbigay ng warning shot.
- Kung magpumilit na pumasok, ipaalam sa pulis.
- Kung nakapasok, magbigay ng warning shot (siguraduhing wag itutok kanino man).
- Kung may sinirang pag-aari sa puwesto, magbigay ng warning shot (siguraduhing wag itutok kanino man).
5. Mga alituntunin sa paggamit ng baril
a. Pagtatanggol sa sarili
- Mayroong hindi naayon sa batas na pagsasalakay.
- Mayroong makatwirang dahilan para gamitin ang baril sa paghadlang o paglaban sa nagtatangka.
- Walang sapat na probokasyon sa taong nagtatanggol sa sarili.
b. Pagtatanggol sa di-kakilala

- Ang taong nagtatanggol ay hindi dapat nasulsulan ng paghhiganti, galit o anumang masamang hangarin.
IV. MATAPOS ANG KAGANAPAN
Matapos ang isang kaganapan gawin ang mga sumusunod:
- Ipaalam ang natapos na kaganapan sa Agency.
- Maghintay ng payo sa Agency.
- Suriin ang pinsala na dulot ng kaganapan.
- Huwag galawin ang pinangyarihan ng kaganapan.
- I-logbook ang pangyayari.
- Gawan ng report.
- Makipagtulungan sa may kinauukulan.
- Huwag magbigay ng anumang salaysay sa media kapag walang pahintulot ng Agency.
- Maging handa sa mga susunod pang mga imbestigasyon.